17 OFW umeskapo sa Israel-Hamas war, dumating na

Nakauwi na sa bansa ang unang batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Israel matapos lumapag ang eroplanong sinakyan nila sa Ninoy Aquino Intermational Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Miyerkoles ng hapon, Oktubre 18.

Labingpitong OFW ang dumating na ayon sa Department of Migrant Workers ay unang batch ng mga kababayan natin na umuwi mula sa Israel kasunod ng tumitinding giyera nito laban sa militanteng grupo na Hamas.

Nagpahayag ng pagnanais na umuwi ng bansa ang naturang mga OFW dahil sa pangamba sa kanilang buhay.

Nangako naman ang DMW, pati na ang ilan pang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Overseas Workers Welfare Administration, Technical Education amd Skills Development Authority at Department of Social Welfarr and Development ng kahandaang tulungan ang mga umuwing OFW.

Samantala, inihahanda na rin ng Armed Forces of the Philippines  (AFP) ang kanilang mga sasakyang panghimpapawid sakaling kailanganin ito para makauwi ang mga OFW na apektado sa giyera ng Israel kontra Hamas.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Medel Aguilar, gagamitin ang kanilang dalawang C130 at isang C295 transport planes kapag kinailangan ito.

Kamakailan, nasa 131 Pinoy sa Gaza Strip ang lumikas kasunod ng mandatory evacuation ng Department of Foreign Affairs. Nasa 35 dito ang gusto nang umuwi sa Pilipinas na inaasahang makakabalik ng bansa ngayong linggo. (Natalia Antonio)

The post 17 OFW umeskapo sa Israel-Hamas war, dumating na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments