Landslide kinaalarma; 40 pamilya lumikas sa Koronadal

Napilitang lumikas ang nasa 40 pamilya ng isang upland barangay sa Koronadal City dahil sa takot na magkaroon ng landslide at mudflows dahil sa walang tigil na pag-ulan kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Cyrus Urbano, Koronadal City Risk Reduction ang Management Officer, iniwan ng mga nasabing pamilya mula sa Barangay Assumption ang kanilang mga bahay alas-9:00 ng gabi dahil sa pangamba ng pagguho ng lupa at pagbaha ng putik matapos ang ilang oras na walang puknat na pagbuhos ng ulan sa lugar.

Dagdag pa ni Urbano, sa kasalukuyan ay pansamantalang nakatigil ang nasabing bilang ng pamilya sa isang covered court sa katabing Barangay Sta. Cruz habang patuloy na nagsasagawa ng clearing operation sa kanilang lugar.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa pangyayari.

Dahil din sa walang tigil na pag-ulan ay sinuspinde ng karatig-bayan ng Banga, Norala, Surallah, at Tboli ang klase sa elementary at high school. (Edwin Balasa)

The post Landslide kinaalarma; 40 pamilya lumikas sa Koronadal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments