Suleiman Braimoh lakas ng werpa, kinuryente ang RoS

Sinalag ng Meralco ang comeback ng Rain or Shine at napreserba ng Bolts ang 107-102 buena-manong panalo sa PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena Miyerkoles ng gabi.

Nagpundar ng 63-50 lead sa break ang Bolts, pero sa likod ng 10 points ni Keith Datu sa third quarter ay naibaba ng Painters sa 77-70 papasok ng fourth.

Laging may sagot ang Bolts kapag natatapyas ang lamang sa one-possession, huling dumikit ang Rain or Shine 105-102 sa tres ni Andre Caracut bago ang free throws ni Allein Maliksi 18 seconds na lang.

Naselyuhan ang ‘W’ nang sumablay ang dalawang tres ni Dajuan Summers.

Nagpakilala si Meralco replacement import Suleiman Braimoh Jr. sa isinumiteng 34 points, 14 rebounds. May 20 markers si Chris Newsome mula sa apat na 3s at umayuda ng 16 si Maliksi.

Tumapos si Summers ng 27 points, 9 rebounds at 4 assists, tig-16 points sina Santi Santillan at rookie Keith Datu, 15 points, 6 assists kay Andrei Caracut.

Sa first game, puminta ng 21 points, 11 rebounds sa kanyang PBA debut si Puerto Rican Chris Ortiz at nilampaso ng Blackwater ang Converge 103-84.

May palamuti pang 6 assists, 3 steals, 2 blocks si Ortiz. Nahawa ang locals, lima pa ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng 15 ni JVee Casio.

Nagsumite ng 20 points, 18 rebounds si Tom Vodanovich, 15 markers kay balik-PBA Mark Tallo at 14 kay Alex Stockton pero maalat na 32 of 95 mula sa field ang Converge.

(Vladi Eduarte)

The post Suleiman Braimoh lakas ng werpa, kinuryente ang RoS first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments