Nagkaroon ng kasunduan ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang palakasin ang kampanya ng gobyerno laban sa mga sindikato ng human trafficking at illegal recruitment.
Ito’y sa pamamagitan ng pagsasanib-puwersa ng dalawang ahensiya upang imbestigahan, usigin at samsamin ang mga ari-arian o yaman ng mga sangkot sa trafficking at illegal recruitment.
Ikinasa ang sanib-puwersa ng dalawang ahensiya matapos lagdaan nina DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac at AMLC Executive Director Matthew David ang isang kasunduan upang labanan ang dalawang nasabing krimen na karaniwang nabibiktima ang mga Pinoy na nais magtrabaho sa ibang bansa.
Kumpiyansa ang dalawang opisyal na malalaking bagay ang kanilang ginawang hakbang upang mabigyan ng proteksyon ang mga overseas Filipino worker (OFW) laban sa mga sindikato.
The post DMW, AMLC sanib-puwersa vs trafficking, illegal recruiter first appeared on Abante Tonite.
0 Comments