Palawan 4th `trending destination’ sa mundo

Kinilala ang isla ng Palawan bilang ika-apat na “trending destination” sa buong mundo batay sa Tripadvisor.

Inilarawan ng Tripadvisor, pinakamalaking travel website sa mundo, ang Palawan bilang “slice of heaven” kung saan matatagpuan din ang endangered na mga hayop.

“Palawan is a slice of heaven, a sliver of an island that teems with exotic wildlife, quaint fishing villages, and UNESCO World Heritage Sites,” ayon sa TripAdvisor.

Dagdag pa nila, “Wave hello to endangered animals at the Calauit Game Preserve and Wildlife Sanctuary or explore the Japanese shipwrecks of Coron Island, regarded as one of the best dive sites in the world.”

Kasama ng Palawan ang iba pang kilalang tourist destination sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng Tokyo sa Japan, Seoul sa South Korea, Halong Bay at Sapa sa Vietnam, Bogota sa Colombia, Pattaya sa Thailand, Casablanca sa Morocco, at Taipei sa Taiwan.

Ikinatuwa naman ni Tourism Secretary Christina Frasco ang pagkilala ng travel website sa Palawan bilang isa sa pinakamagandang pasyalan sa buong mundo.

Inaasahan umano ng Department of Tourism na lalo pang mahihikayat ang mga turista na dumayo sa Palawan na malaking bagay para sa ekonomiya ng mga Palawenyo.

Pinili ng Tripadvisor ang mga nagwagi sa 2024 Travelers’ Choice Award Best of the Best Destination batay sa mga review at opinyon mula sa iba’t ibang biyahero at diners sa kanilang platform sa nakalipas na 12 buwan.

The post Palawan 4th `trending destination’ sa mundo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments