Manila Water ratsada sa Lakbayan program ngayong 2024

Tiwala ang Manila Water na mas magiging mabunga pa ngayong taon ang kanilang adbokasiya na mabigyan ng water at environmental education ang mga Kabataang mag-aaral.

Kaya naman ngayong taon ay nag-imbita pa ang Manila Water ng mas maraming paaralan upang lumahok sa kanilang Lakbayan program na bahagi ng Water Education and Environmental Advocacy ng kompanya.

Layon ng Lakbayan na ipasyal ang mga kalahok sa iba’t ibang pasilidad ng Manila Water.

“This tour guides participants through the company’s facilities, providing insights into the transformation of raw water into safe and potable drinking water, as well as the treatment processes ensuring the safety of wastewater before its release into the environment,” ayon sa pahayag ng Manila Water.

Sinabi ng kompanya na mula nang itatag ang nasabing programa noong 2006 ay mahigit 100,000 indibiduwal na galing sa iba’t ibang sektor ang nakinabang sa Lakbayan program. Kabilang dito ang mga galing sa akademya, mga lokal na pamahalaan, mga ahensiya ng gobyerno, at maging ang mga nasa pribadong organisasyon.

Pinalawak pa ang programa nitong 2023 at tinawag na “SALIN: Lakbayan para sa Guro”, isang specialized tour kapartner ang Department of Education-National Capital Region upang mula sa mga guro sa pampublikong paaralan ay maturuan ang kanilang mga mag-aaral tungkol sa programa ng Manila Water.

Hinikayat ang mga interesadong lumahok na makipag-ugnayan kay Advocacy Manager, Mr. Renel Donguya, sa pamamagitan ng renel.donguya@manilawater.com to schedule a tour.

The post Manila Water ratsada sa Lakbayan program ngayong 2024 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments