Category 6 na bagyo malayo pang tumama sa `Pinas

Sa gitna ng magkakasunod na bagyong pumasok sa bansa nitong huling quarter ng 2024, nilinaw ng isang opisyal ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na wala pang inaasahang Category 6 na bagyong tatama sa Pilipinas.

Sa panayam ni Atty. Karen Jimeno sa programang “At the Forefront” sa Bilyonaryo News Channel, kay Engineer Lorenzo Moron, Regional Services Division chief ng Pagasa sa National Capital Region, naging paksa ang posibilidad ng pagkakaroon ng Category 6 na bagyo sa bansa lalo pa’t patuloy ang paglala ng epekto ng climate change.

“Well, I think it has to go through a series of thorough deliberations within experts. We don’t see [it] in the future, but sa ngayon, nakikita naman natin na in place naman `yung early warning system. But as years go by, kung talagang nakikita natin na yung trend ay mas nagiging extreme, so I think it has to go through thorough deliberations,” ayon kay Moron.

Sa kasalukuyan, ang Category 5 ang nananatiling pinakamalakas umanong klasipikasyon ng bagyo.

The post Category 6 na bagyo malayo pang tumama sa `Pinas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments