Hindi pa rin humuhupa ang aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island, ayon sa 24 oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Bagamat nananatiling nasa Alert Level 2, nakapagtala naman ang ahensiya ng 11 volcanic earthquakes at namatyagan ang patuloy na pagbuga ng abo mula sa bunganga ng Bulkang Kanlaon.
Bumubuga rin ang asupre mula sa bulkan na naitala sa halos 4,000 tonelada kada araw.
Patuloy din na nakitaan ng pamamaga ang bulkan.
Sa monitoring ng Phivolcs, nakakuha ng footage ang ahensiya habang nagbubuga ng abo mula sa pinakabunganga ng Bulkang Kanlaon nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 10.
Ayon sa Phivolcs, umabot ng 500 metro ang taas ng ash emissions batay sa recording ng Kanlaon Volcano Observatory.
The post Kanlaon Volcano nililindol, nagbubuga ng abo – Phivolcs first appeared on Abante Tonite.
0 Comments