Alex Eala, Bryan Bagunas ‘balagoong’ na flag-bearers

Pinili ni Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), ang dalawa sa pinakakilala at maimpluwensyang atleta sa 2025 – ang tennis sensation na si Alexandra “Alex” Eala at ang haligi ng volleyball na si Bryan Bagunas – bilang mga tagadala ng watawat para sa Team ‘Pinas sa parada ng mga atleta sa opening ceremony ng Thailand 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok sa Martes (Disyembre 9).

“Bukod sa katanyagan, nagbigay ng malaking epekto sina Alex at Bryan sa pandaigdigang komunidad ng sports at iyon ang dahilan kung bakit sila ang pinakamagandang pinagpilian para dalhin ang watawat sa SEA Games,” pahayag sa Ingles nitong Martes ni Tolentino, idinagdag na ang Pilipinas ay binigyan ng 300-miyembrong delegasyon – na posibleng mabawasan sa 200 dahil sa isang taong pagluluksa para kay Reyna Sirikit at sa sakuna sa Songkhla – sa parada sa paligid ng Rajamangala National Stadium sa seremonya ng pagbubukas.

Magpapadala ang Pilipinas ng halos 1,700 atleta sa SEA Games na magtatampok ng 574 kaganapan sa 50 sports at idaraos na ngayon sa dalawang pangunahing lugar – Bangkok at Chonburi – matapos ang malawakang pagbaha sa Songkhla.

Ang pag-angat ni Eala sa tennis ay halos kahanga-hanga – siya na ngayon ang pinakamataas na ranggong Pilipina sa kasaysayan ng sport sa Women’s Tennis Association, tapos ding maging unang Pinay na nakapasa sa US Open 1st round.

Si Bagunas, sa kabilang banda, ang pangunahing manlalaro ng Alas Pilipinas Men’s Team sa FIVB World Championship noong Setyembre, na nanguna sa isang makasaysayang sorpresang tagumpay- laban sa maraming beses na kampeon ng Africa na Egypt – sa isang kompetisyon ng FIVB at naging mahalaga sa “tagumpay na nawala” laban sa isa pang malakas na koponan mula sa Asya, ang Iran.

Dinagdag ni Tolentino na ang pagpili sa magiging tagadala ng watawat ay palaging isang mahalagang gawain ng POC at ang atleta o mga atletang may pinakamalaking epekto at inspirasyon na apela hindi lamang sa mga pambansang atleta kundi sa kabataang Pilipino ang pinakamataas na binibigyang-halaga sa pagpili.

“Ito ay tungkol sa inspirasyonal na apela, ang motibasyon at pagsusumikap na nagbubunga ng tagumpay angnagiging dahilan upang ang isang atleta o mga atleta ang pinakamahusay na pagpilian para sa gawaing ito,” panapos na sey ni Tolentino. (ABANTE Tonite Sports)

The post Alex Eala, Bryan Bagunas ‘balagoong’ na flag-bearers first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments