Hindi na paparahin

Lumarga na ang ban sa mga e-trike at e-bike sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila nitong Biyernes, Enero 2, 2026. Mukhang hindi na ito aawatin ni Pangulong Bongbong Marcos kundi tuluyan nang ipapatupad ngayong taon.

Last year kasi, gustong makakuha ng pogi points ang Pangulo sa mga purdoy kaya sinuspinde ang implementasyon ng ban. Pero ngayong sadsad ang kanyang rating, mukhang keber na ang peg niya sa isyung ito.

Biruin nyo nga namang mas marami pa ang bilang ng mga taong walang tiwala sa Pangulo kaysa sa nagtitiwala.

Sa December 12-15 survey ng Pulse Asia, sumipa sa 47% ang distrust rating ng Pangulo mula sa 45% noong Setyembre. Ang nagtitiwala sa Pangulo, nabasawan din. Mula sa 34% ay naging 32% na lamang o tatlo sa bawat sampung Pinoy lamang ang nagtitiwala.

Umakyat din ang disapproval rating ni Pangulong Marcos sa 48% mula sa 44% noong Setyembre. Ang approval rating naman nito ay naging 34% mula sa nakaraan na 33%.

Sa Metro Manila kung saan matatagpuan ang seat of power, tumaas ng 17% ang disapproval rating nito.

Hindi na siguro kailangang ipaliwanag pa kung bakit mas marami ang hindi nagtitiwala sa Pangulo kaysa sa nagtitiwala. Ito ay dahil sa korapsiyon sa gobyerno bunsod ng flood control scandal.

Kahit na sabihing si Pangulong Marcos ang nagsiwalat ng korapsiyon sa mga flood control project sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa harap ng mga kongresista noong Hulyo 28, 2025, siya pa rin ang sinisisi dahil nangyari ito sa kanyang administrasyon.

Nakadagdag din siguro ang akusasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co laban sa Pangulo na may insertion umano ito sa 2025 national budget.

Sitting pretty naman si Vice President Sara Duterte dahil kahit hindi siya masyadong bumabanat kay BBM ay nagseself destruct naman ito.

Ang approval rating ni VP Duterte, tumaas sa 56% mula sa 55% noong Setyembre. Ang disapproval rating nito ay nasa 24% mula sa dating 22%. Bahagya namang bumaba ang kanyang trust rating sa 54% mula sa 56%, at ang distrust naman ay tumaas sa 24% mula sa 21%.

Kaya sa mga gumagamit ng e-trike at e-bike, huwag na kayong umasa na paparahin ni Pangulong Marcos ang ban dahil mukhang tuloy-tuloy na ang implementasyon nito. Mabuti nga iyan para mabawasan ang mga kamote sa kalsada.

Sa Japan, ang bisikleta puwede mo itong ipedal kahit walang lisensiya pero kailangang sumunod sa mga traffic regulations. Kung magiging electric bike na ito, kailangan na ang lisensiya kung saan ang lalabag ay may multa at pagkakulong.

Mapapa-sana all ka na lang talaga.

The post Hindi na paparahin first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments