Bea natawa sa itlog ni Alden

Sa kanyang vlog, nagbahagi si Bea Alonzo ng kanyang paboritong recipe.

Aniya, na-inspire raw kasi siya sa masasarap na mga putaheng napapanood niya sa TikTok kaya in her own little way, gusto rin niyang mag-share ng kanyang kaalaman sa pagluluto.

Nag-aral kasi sa isang culinary school ang Kapuso actress. For sometime ay hindi na rin siya nakakapagluto dahil sa kabisihan.

Mula sa paghahanda hanggang cooking proper, nagbigay siya ng tips kung paano lutuin ang herbed hasselback baked potatoes.

Proud din niyang binida ang kanyang bersyon ng Korean garlic cream cheese bread.

Ani Bea, naging patok na pagkain daw noong pandemic ang huling putahe para sa mga Koreano.

Sa paggi-glaze raw ng buns, dapat daw ay maging maingat para hindi masira ang hulma at porma ng bread.

Naikumpara pa niya ito sa pagbi-break ng flower.

Natawa pa siya kung bakit daw minsan ay may pumapasok na ‘green jokes’ sa kanyang pagba-vlog.

Naikuwento pa niya noon ang naging collab nila ni Alden Richards sa vlog para sa isang brand na marami ang nag-react.

Ito raw iyong time na nag-share ng cooking tips si Alden at sinabing”I will now boil my egg.”

Matatandaang natsitsismis na nagkaroon ng feud sina Bea at Alden na dahilan daw umano sa pag-atras ng una sa pelikulang nakatakda sana nilang gawin.

Pangatlong naging treat niya ay ang paggawa ng mango sago na patok ngayong summer.

Sa mga sosyal, tinatawag daw itong mango tapioca samantalang kilala naman ito sa mga GenZers bilang mango boba.
Sa huli, proud si Bea na na-perfect ang paggawa ng herbed hasselback baked potatoes samantalang itinuturing naman niyang failure sa kanyang Korean garlic cream cheese bread experiment.

The post Bea natawa sa itlog ni Alden first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments